Gumawa ng kasaysayan ang 18-anyos na teenage fooball player ng Team Spain sa pag-usad ng naturang koponan sa semi-finals ng 2026 World Cup matapos ang thriller game laban sa Belgium.

Sa paglalaro ng forward na si Lamine Yamal sa quarter-finals match, opisyal na niyang naitala ang kaniyang ika-anim na appearance sa World Cup.

Dahil dito, siya na ngayon ang kauna-unahan at pinakabatang manlalaro sa buong kasaysayan ng football na nakagawa nito sa edad na labing-walo, isang record na hindi nagawa maging ng Brazilian legend na si Pelé noong kaniyang kapanahunan.

--Ads--

Bago ang makasaysayang World Cup journey ni Yamal, dumanas pa siya ng hamstring injury noong Abril, ngunit mabilis siyang dumaan sa medical procedures.

Sa kaniyang unang World Cup tournament, nagawa niyang magpasok ng isang goal sa kaniyang unang laban bilang starter kontra Saudi Arabia sa initial stage ng laban.

Samantala, dahil sa kaniyang kontribusyon at sa solidong laro ng Team Spain, pormal nang pumasok sa World Cup Semifinals ang naturang koponan.

Ito ang kanilang unang pagkakataon mula noong mag-champion sila noong taong 2010.

Ipagdiriwang ni Yamal ang kaniyang ikalabing-siyam na kaarawan sa July 13, isang araw bago sumabak sa semis ang kaniyang koponan.

Haharapin ng naturang team ang Argentina na pinamumunuan ng football legend na si Lionel Messi.