Iniligay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Red Alert Status ang lahat ng kanilang units sa National Capital Region (NCR).

Ang nasabing hakbang ay para matiyak na nakataas ang kanilang operational na kahandaan.

Layon din nito ay nakahanda ang kanilang mga personnel at assets para sa pagsuporta sakaling hilingin ng civil authorities gaya ng nakasaad sa konstitusyon.

--Ads--

Tuloy-tuloy din ang ugnayan nila sa Philippine National Police (PNP) at ilang mga ahensiya ng gobyerno para sa pagsulong ng kaligtasan ng publiko at walang tigil na pagbibigay ng mga mahalagang serbisyo.

Natitiyak din ng AFP na nananatili silang propesyonal, non-partisan at isinusulong ng tama ang isinasaad ng batas, pagprotekta sa karapatan ng mga tao at kaligtasan ng bansa.