Hindi lamang isang usaping kriminal ang madugong pamamaril sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng marami pang iba, kundi isa ring malinaw na senyales ng mga kahinaan sa suporta para sa mental health, pamilya, paaralan, at komunidad ng mga kabataan.

Ito ang binigyang-diin ni Karl Anthony Rufo, Psychologist, ilan sa mga risk factors na nakikita sa mga ganitong kaso ay ang antisocial behavior, ADHD, karanasan ng pang-aabuso, rejection mula sa kapwa, at moral disengagement.

Binigyang-diin din ng eksperto ang mga dapat bantayan na pagbabago sa asal ng mga kabataan, tulad ng biglaang pag-iiba ng ugali, pagiging agresibo, paulit-ulit na pagbabanta, matinding galit, obsession sa paghihiganti, social withdrawal, at pagkawala ng interes sa dating mga gawain.

--Ads--

Ayon kay Rufo, mahalaga ang preventive measures tulad ng anti-bullying programs at mental health awareness sa mga paaralan.

Tinalakay rin niya ang isyu ng maturity ng mga batang may edad 14–15, kaugnay ng diskusyon sa criminal liability.

Ayon kay Rufo, patuloy pa ang development ng utak ng mga kabataan sa edad na ito, kaya’t sensitibo ang usapin ng pananagutan.

Ipinaliwanag din niya ang proseso ng rehabilitasyon para sa mga menor de edad na nagkakasala, kabilang ang paglalagay sa kanila sa mga pasilidad tulad ng Bahay Pag-asa o child care centers.

Nanawagan naman ito na mas pinaigting na awareness sa bullying, mental health, at emotional support systems.