Nauwi sa trahedya ang pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Barangay San Jose, Tacloban City, kung saan tatlo ang nasawi at lima ang sugatan.
Ayon sa pulisya, dalawang menor de edad na suspek ang sangkot sa insidente.
Isa sa kanila ang agad na naaresto sa loob ng paaralan, habang ang isa ay nakatakas ngunit kalaunan ay sumuko matapos makipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Batay sa paunang imbestigasyon, lumalabas na isa sa mga suspek ay nakaranas umano ng pambubully, ngunit patuloy pa ring iniimbestigahan ang motibo sa likod ng pamamaril.
Agad namang dinala sa ospital ang mga sugatan upang mabigyan ng lunas.
Nagdeploy ng karagdagang pwersa ang Police Regional Office-8 (PRO-8) upang matiyak ang seguridad sa lugar.
Samantala, suspendido muna ang klase sa San Jose National High School habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nagpahayag ng pagtugon ang Department of Education Regional Office VIII at tiniyak na magbibigay ng psychosocial support sa mga estudyante at guro na naapektuhan ng insidente.| via Bombo Dennis Jamito




