Hindi naiwasang purihin ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Francis “Chiz” Escudero sa naganap na Special Session ng Senado ngayong araw, Hunyo 17.
Ayon kay Lacson, mas nangibabaw umano sa dalawang senador ang pagpapanumbalik ng kredibilidad at kaayusan sa Senado.
Dumalo ang dalawang senador sa naturang sesyon, daan upang makabuo ng 13 na quorum ang Majority bloc at makapagsagawa ng regular session, sa pangunguna ni Sen. Gatchalian bilang Senate President.
Sa kabilang banda, hiniling din ni Lacson na huwag na siyang ilagay bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sawa na umano siyang mawalan ng mga kaibigan at naniniwala siyang may iba pang kwalipikado na pamunuan ang makapangyarihang komite.
Pero kung wala raw kukuha ng posisyon, saka niya tatanggapin ang posisyon sa komite.










