Inihayag ni Deputy Speaker Paolo Ortega V na maaaring 15 boto na lamang ang kailangan upang mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial kung 22 senador lamang ang aktuwal na makakalahok sa paglilitis.

Ayon kay Ortega, dapat pag-aralan ng Senado kung ang two-thirds vote requirement ay ibabatay sa bilang ng mga senador na aktibong nakagaganap ng kanilang tungkulin.

Lumitaw ang usapin matapos ang mga argumento na hindi dapat isama sa bilang ang mga senador na hindi makadalo o hindi makapagampan ng kanilang tungkulin.

--Ads--

Sinabi ni Ortega, mahalagang malinaw na matukoy ang kinakailangang bilang ng boto bago umabot sa yugto ng paghatol ang impeachment court upang maiwasan ang mga legal na usapin at dagdag na pagkaantala sa paglilitis.