Pumalo na sa 30 bangkay na nabawi ng mga rescuers sa gumuhong siyam na palapag ng gusali sa Angeles City, Pampanga.

Nitong umaga ng Lunes, Hunyo 8 ay naka-rekober ang mga otoridad ng bangkay mula sa mga debris.

Una ng sinabi ng mga otoridad na ang bilang ng mga nawawalang katao ay maaring magbago habang patuloy ang ginagawang retrieval at clearing operations.

--Ads--

Magugunitang noong Mayo 24 ng gumuho ang gusali na under constructions.

Nagsagawa na ng malalimang imbestigasyon ang local government unit sa nangyaring aksidente.