Naglunsad na ang Police Region Office 3 (PRO3) ng imbestigasyon sa pagkasawi ng dalawang basketbolista ng Ateneo de Manila University.

Ang mga biktimang sina Rene Baterbonia at Divine Adili ay nasawi habang lumalangoy sa Dipaculao, Aurora.

Ayon sa PRO 3, na mayroon na silang ugnayan sa mga iba’t-ibang mga ahensiya kung saan nagsagawa ng malalimang imbestigasyon.

--Ads--

Base kasi sa inisyal na imbestigasyon na nag-swimming ang mga biktima ng sila umano ay tangayin ng malakas na current.

Dinala pa ang mga biktima sa pagamutan subalit hindi na naagapan ang kanilang buhay.

Hiniling din nila sa publiko na iwasan na maglabas ng anumang espekulasyon at hayaan na lamang na makumpleto ng mga otoridad ang kanilang imbestigasyon.