Dagupan City – Ipinaliwanag ni Edilyn Urbano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) – RDO 4 Central Pangasinan na ang donor o nagbibigay ng regalo ang may pananagutang magbayad ng Donor’s Tax, hindi ang tumatanggap ng regalo.

Kabilang dito ang pagbibigay ng lupa, pera, o iba pang ari-arian.

Ayon sa Revenue Memorandum Order No. 12-2025, kinakailangang magsumite ng mga dokumento tulad ng TIN ng donor at donee, notarized Deed of Donation, mga titulo at tax declaration ng ari-arian, at iba pang kaukulang papeles para sa maayos na pagproseso ng transaksyon.

--Ads--

Ang Donor’s Tax ay may flat rate na 6% ng kabuuang halaga ng donasyon na lampas sa ₱250,000 kada taon at dapat bayaran sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng donasyon.

May kaakibat din itong Documentary Stamp Tax na ₱15 sa bawat ₱1,000 ng halaga ng ari-ariang idinonate.

Binigyang-diin ng BIR ang kahalagahan ng tamang at maagap na paghahain ng buwis upang maiwasan ang surcharge, interes, at compromise penalty, gayundin upang maging maayos ang paglipat ng pagmamay-ari ng ari-arian.