Dagupan City – Aabot sa 176 na rehistradong magsasaka sa lungsod ng Dagupan ang benepisyaryo ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan sa layuning suportahan ang kanilang kabuhayan, lalo na sa panahon ng nararanasang pagbabago sa ekonomiya at merkado.
Sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture (DA), ipinamahagi ang tig-₱2,325 na tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP).
Ang mga nakinabang ay kabilang sa mga rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na binubuo ng mga nagtatanim ng palay, mais, at tubo.
Pinangunahan ng Provincial Coordinator for Pangasinan ng DA at City Agriculture Office ang isinagawang payout upang matiyak na maayos at direktang matatanggap ng mga benepisyaryo ang tulong na inilaan para sa sektor na labis na apektado ng economic instability at global market disruptions.
Ayon sa City Agriculture’s Office, patuloy ang proseso at nakatakda ring makatanggap ng katulad na tulong pinansyal ang iba pang kwalipikadong magsasaka sa lalong madaling panahon.










