Wala pa ring malinaw na direksiyon tungo sa pagtatapos ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran nitong Sabado, matapos magpalitan ng mga pag-atake ang dalawang panig sa Gulf sa gitna ng isang marupok na tigil-putukan.
Ayon sa isang pagsusuri ng intelihensiya ng U.S., kakayanin umano ng Tehran na magtagal ng ilang buwan kahit pa sa ilalim ng naval blockade.
Sa mga nakalipas na araw, muling sumiklab ang matinding bakbakan sa paligid ng Strait of Hormuz—ang mahalagang daluyan ng langis sa mundo—na siyang naging pinakamatinding tensyon mula nang magsimula ang tigil-putukan isang buwan na ang nakalipas.
Muling inatake rin ang United Arab Emirates (UAE) noong Biyernes. Dahil dito, patuloy na pag-aalitan sa gitna ng tigil-putukan
Habang naghihintay ang Washington sa tugon ng Iran sa panukala ng U.S. na tuluyang magwakas ang digmaan bago talakayin ang mas sensitibong usapin gaya ng programang nuklear ng Iran, sinabi ni U.S. Secretary of State Marco Rubio sa Rome na inaasahan nila ang sagot noong Biyernes.
Ngunit ayon sa tagapagsalita ng foreign ministry ng Iran, patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ang panukala.
Matatandaan nang magsimula ang digmaan noong Pebrero 28 matapos ang airstrikes ng U.S. at Israel sa Iran, mahigpit na pinipigilan ng Tehran ang pagdaan ng mga hindi Iranian na barko sa Strait of Hormuz.










