Dagupan City – Inihayag ng Commission On Election Dagupan na nagpapatuloy parin ang kanila ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026 na nakatakdang isagawa sa buwan ng Nobyembre.

Kahit pa may mga usapin tungkol sa posibleng pagpapaliban ng eleksyon dahil sa kasalukuyang krisis ng bansa na binabanggit ng ilang senador.

Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento, Election Supervisor ng COMELEC Dagupan, nakikita nitong tuloy ang election hanggat wala pang batas na magpapaliban dito kaya tuloy parin sila sa pagganap ng kanilang tungkulin.

--Ads--

Aniya, sa kasalukuyang batas umano na sinusunod sinasabi dito na magkakaroon ng halalan sa barangay na antas sa Nobyembre 2, 2026.

Bagama’t may ilang senador na ang nagmungkahi na ilipat muna ang eleksyon para unahin ang pagharap sa krisis, ang mga usap-usap na ito ay nananatiling haka-haka lamang hanggang sa walang bagong batas na magbabago ng takdang petsa.

Saad niya na kabilang sa mga gawain na isinasagawa ng COMELEC ang patuloy na pagpaparehistro ng mga botante hanggang Mayo 18, pati na rin ang pagsusuri sa mga lugar para sa pagbobotohan sa lungsod.

Pagbabahagi nito na kung sakaling maipagpaliban ang eleksyon, magkakaroon ito ng malawakang epekto sa lahat ng aspeto ng pagdaraos nito.

Gaya na lamang ng pagdagdag sa mga bilang ng mga botante at mauulit lamang ang rehistrasyon na magdudulot ng dagdag na gastos.