Naglatag si Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi ng mga pangunahing hinihingi ng Iran at ng mga pag-aalinlangan nito sa mga posisyon ng Estados Unidos, habang patuloy ang bagong hakbang ng Pakistan upang wakasan ang isang digmaan na kumitil na ng libo-libong buhay at patuloy na nagpapayanig sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.
Ayon sa mga ulat, nakipagpulong si Araqchi at ang kanyang delegasyon kay Pakistani Prime Minister na si Shehbaz Sharif at iba pang matataas na opisyal sa Islamabad, kabisera ng Pakistan.
Pagkatapos ng mga pag-uusap, agad ding umalis ang delegasyon patungo sa kanilang bansa sakay ng isang military jet na may escort mula sa militar.
Gayunman, nananatiling limitado ang inilabas na detalye hinggil sa nilalaman ng mga naging talakayan, habang patuloy ang pag-asa ng ilang bansa na magkaroon ng diplomatikong solusyon sa lumalalang sigalot.
Samantala, ayon sa mga ulat, iginiit ng mga opisyal ng U.S. na wala silang nararamdamang matinding presyon upang pabilisin ang pagtatapos ng labanan, sa kabila ng patuloy na pandaigdigang pag-aalala sa epekto nito sa seguridad at ekonomiya, lalo na sa sektor ng enerhiya.










