Dagupan City – Nasugatan sa isang aksidente ang 4 na indibidwal kabilang ang isang anim na buwang sanggol sa bayan ng Binalonan.

Nangyari ito sa kahabaan ng Provincial Highway ng Brgy. San Felipe Central.

Batay sa imbestigasyon ng Binalonan PNP, nagsimula ang aksidente nang hindi nakontrol ng driver ng kotse ang kanyang sasakyan na minamaneho ng isa 59-anyos na lalaki mula sa San Manuel na walang lisensya habang binabagtas ang daan patungong kanluran sa direksyon papuntang Binalonan.

--Ads--

Dahil dito nasagi niya ang isang motorsiklo na minamaneho naman ng isang 22-anyos na babae mula sa Binalonan kung saan kasama nito ang isang 45-anyos na babae na hindi nakasuot ng helmet, at isang anim na buwang sanggol.

Matapos ang kanilang banggaan patuloy parin na dumiretso ang kotse at bumangga sa isang nakaparadang tricycle na pag-aari ng isang 50-anyos na babae na nagtitinda ng gulay mula sa Binalonan kung saan hindi naman nasaktan.

Kasunod nito, bumangga pa ang sasakyan sa bakal na arko ng barangay na matatagpuan sa dulo ng kalsada.

Nagkaroon ng mga pasa at gasgas ang mga biktima kaya dinala sila sa pinakamalapit na pagamutan para sa paunang lunas.

Sa ulat ng mga pulis, walang sinuman sa mga drayber ang mayroong lehitimong lisensya sa pagmamaneho.

Samantala, ang mga sasakyang nasangkot ay dinala sa Binalonan Municipal Police Station para sa karagdagang pagsusuri at tiyakin ang tamang paghawak ng kaso.