DAGUPAN CITY- Naging mahigpit ang Israel sa paggunita ng pesach ngunit napanatili ng mga lokal sa Israel ang kanilang tradisyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kristine Soriano, Bombo International News Correspondent sa Israel, hindi katulad noong nakaraang taon, 2025, nakapunta pa sila sa Jerusalem at sinundan ang mga nilakad ni Hesus noong siya ay pinaparasuhan bago ipinako sa krus.
Aniya, sa taon na ito, tanging nagawa lamang nila ay makapunta sa simbahan na dinadaluhan ng kaniyang amo.
Gayunpaman, hindi pare-pareho ang relihiyon ng mga tao sa naninirahan sa Israel at iba-iba rin ang kasanayan na ginagawa ng bawat relihiyon.
Aniya, hindi tulad sa Pilipinas na nagtatapos sa Easter Sunday ang paggunita ng holy week, sa susunod na miyerkules pa ang huling araw ng pesach o pagninilay sa Israel.
Bagaman kay giyera, hindi rin mapigilan ang ilang mga lokal na pumunta sa Dead Sea; karagatan kung saan nakitang naglalakad si Hesus.
Binahagi naman ni soriano na apat na taon na ang nakalilipas nang huli niyang gunitain ang holy week sa Pilipinas.










