Hinimok ni Cardinal Jose Advincula ang mga mananampalatayang Pilipino na ipanalangin ang pagtatapos ng digmaan sa Gitnang Silangan, lalo na ng mga Overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya na apektado ng kaguluhan, pati na rin ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sa kanyang naging homiliya sa Celebration of the Passion of the Lord sa Manila Cathedral nitong Biyernes Santo, inihalintulad ng kardinal ang mga sakripisyo ni Hesus sa krus sa mga taong naapektuhan ng digmaan. “His hardships are seen in every innocent life affected by the war. A clear example of this is what’s happening to the Middle East. While it is very far from us, we can really feel its effects,” aniya.

Binigyang-diin niya ang mga siyudad na wasak at ang buhay na nawala dahil sa digmaan. Idinagdag din niya ang takot ng mga pamilya ng OFWs para sa kanilang mga mahal sa buhay, pati na rin ang hirap ng mga tsuper sa pag-abot ng kanilang pang-araw-araw na kabuhayan dahil sa taas ng presyo ng produktong petrolyo.

--Ads--

“His hardships are seen in every innocent life affected by the war. A clear example of this is what’s happening to the Middle East. While it is very far from us, we can really feel its effects,” dagdag ng Cardinal.

Aniya, ang Good Friday ay paalala sa mga mananampalatayang Katoliko na gawin ang tatlong bagay, manahimik at magnilay, makiramay sa paghihirap ng iba, at manalangin para sa kapayapaan.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na magnilay, ipakita ang malasakit, at ipanalangin ang kapayapaan.

Sa huli, nanawagan siya ng kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, na sinang-ayunan ang panawagan ni Pope Leo XIV na wakasan na ang digmaan.