Tinawagan ni European Council President António Costa sa telepono si Iranian President Masoud Pezeshkian.

Sa kanilang pag-uusap ay nanawagan si Costa ng tuluyang pagtigil ng kaguluhan.

Bukod pa dito ay hinikayat niya ang Iranian president ng proteksyon sa mga sibilyan at mga imprastraktura.

--Ads--

Pinapanawagan din nito na dapat ay tigilan na ng Iran ang pag-atake sa mga bansa sa Gitnang Silangan.

Natitiyak din nito na sinusuportahan ng European Union member countries ang pagsulong ng kapayapaan sa Gitnang Silangan.