Bumagsak sa panibagong record low ang halaga ng piso ngayong araw ng Martes, Marso 24, 2026 laban sa dolyar matapos itong magsara sa P59.950 kada $1, ayon sa datos ng Bankers’ Association of the Philippines (BAP).

Bagama’t mas mababa ito ng mahigit 15 sentimo kumpara sa naunang pagtatapos na P60.30 noong Lunes nanatili parin itong banta presyo ng bilihin.

Ayon sa mga analyst, patuloy na humihina ang piso dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East, partikular sa nang nangyayaring labanan sa pagitan ng Estados Unidos, at Israel laban sa Iran.

--Ads--

Bukod dito apektado din daw ang piso ng 48-oras na ultimatum ng Amerika sa Iran kaugnay ng Strait of Hormuz, habang nagbanta naman ang Iran na isasara ito kung sila ay aatakihin ng U.S.

Inaasahang mananatili naman sa pagitan ng P60 hanggang P60.50 ang galaw ng piso sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na kawalang katiyakan sa pandaigdigang pamilihan ayon sa ilang mga eksperto.

Paliwanag pa ng mga ito na ang paghina ng piso ay dulot ng kombinasyon ng mas mataas na demand para sa dolyar, pagtaas ng presyo ng langis, at pag-iwas ng mga mamumuhunan dahil sa nararanasang krisis.

Ayon naman sa Philippine Institute for Development Studies, tumataas ang pangangailangan ng dolyar dahil sa mas mahal na inaangkat na langis ng bansa, habang ang mga investor ay lumilipat sa mas ligtas na asset gaya ng U.S. dollar.