Mahilig ka ba sa mga soft plushies o mga stuffed toys? Saan ang go-to store mo?
Pero paano naman kung sa pinuntahan mong shop ng stuffed toys ay biglang gumalaw ang isang produkto nito? hindi dahil sa de-battery ito kundi isa pa lang totoong hayop?
Shocked ang mga pasahero sa Australian airport nang on-the spot nilang makita ang isang fluffy possum sa shelf ng mga kangaroo stuffed toys sa isang gift shop, sa Hobart Airport sa Tasmania state.
Ang possum ay isang uri ng marsupial na may rabbit-like ears.
Nang pagbigay-alam ito ng isang pasahero sa staff members, hindi pa sila agad makapaniwala sa kanilang narinig.
Sa video ng staff member, makikitang napapansin na ng possum ang lumalaking bilang ng mga taong nakapalibot sa kaniya at ito ay nilisan ang tindahan.
Nagawa naman ng airport staff na mapaalis ang hayop sa establishimento nang hindi ito napapahamak.










