“WALA TALAGANG FOREVER KAHIT SA RICE-COOKER”
Ito ngayon ang katatwang komento ng mga netizens matapos na lumabas ang ulat na tuluyang nang nakipag-divorce ang isang lalaking Indonesian sa pinakasalan nitong rice cooker.
Ayon sa impormasyon, apat na araw lamang ang itinagal ng pagsasama ni Khoirul Anam at ang kaniyang pinakasalang partner na rice cooker nito noong Setyembre 20.
Lumalabas naman na nagdesisyon si Anam na makipaghiwalay na lamang, dahil kanin lang raw ang kayang lutuin ng kanyang ‘napangasawa’at wala na itong ibang alam na gawin kundi ang magluto ng kanin.
Matatandaan na nagviral sa social media platform si Anam matapos pakasalan ang ang kanyang paboritong kitchen appliances na “rice cooker”.
Makikita rin sa mga larawang kumakalat sa social media na masaya si Anam habang ginagawa ang seremonya ng kasal.
Pumirma rin umano ito sa mga dokumento ng kasal at hinalikan pa ang rice cooker sa harap ng isang pari.
Inilarawan pa niya ang kaniyang asawa na “Fair, obedient, loving and good at cooking” .
Sa kabila nito hindi pa namaan malinaw kung totoo o katuwaan lamang ang naturang post na mabilis na nakakuha ng atensyon ng mga netizens dahil nabatid na isa lamang itong social media stint kilala kasi si Anam sa Indonesia sa mga contents nitong prank.










