Dagupan City – Matagumpay na idinaos ang kauna-unahang Labi na Manag-Inasin bilang bahagi ng pagbubukas ng Lingayen Bagoong Festival 2026.
Pinangunahan ni Mayor Josefina V. Castañeda kasama si Vice Mayor Jaymark Crisostomo, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga department head ng LGU Lingayen ang nasabing aktibidad.
Layunin ng programa na ipakita ang mayamang kultura ng bayan at palakasin ang pagkakaisa ng mga kasapi ng Bagoong Manufacturers Association.
Sa pamamagitan ng selebrasyon, muling naipakita ang kahalagahan ng industriya ng bagoong sa Lingayen, na nagsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan at kabuhayan ng mga residente.
Itinuturing din ang aktibidad bilang pagpupugay sa kultura at tradisyon ng bayan na patuloy na ipinagmamalaki ng mga residente sa Lingayen.










