Dagupan City – Kinilala bilang National Finalist ang Lungsod ng San Carlos sa Presidential Award for Child-Friendly City matapos itong makatanggap ng regional recognition.

Kabilang ang lungsod sa mga piling finalist mula sa buong bansa, bilang pagkilala sa mga ipinatutupad nitong programa para sa kapakanan, proteksyon, at karapatan ng mga bata.

Tinanggap ng mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office ang parangal sa isinagawang ika-75 anibersaryo ng DSWD Field Office I sa Ilocos Region na may temang nakatuon sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

--Ads--

Iginawad ang pagkilala sa ilalim ng pamumuno ng lokal na pamahalaan, katuwang ang Sangguniang Panlungsod, na patuloy na nagpapatupad ng mga programang nakasentro sa kapakanan ng kabataan.

Kalakip nito ang pagkilala mula sa Council for the Welfare of Children dahil sa kanilang ligtas at child-friendly na komunidad.