Dagupan City – Nagbayad ang isang pamilya mula sa bayan ng Tayug patungong Señor Divino Tesoro Shrine sa bayan ng Calasiao ng P120 para sa tricycle, o P30 kada pasahero, na mas mataas sa karaniwang P20 minimum fare.

Ayon sa abiso ng Calasiao Public Order and Safety Office, mananatili ang minimum fare sa P20 at ang pansamantalang pagtaas ng pamasahe ay dapat may opisyal na abiso rin mula sa lokal na pamahalaan.

Samanatala, humihiling ang ilang Tricycle Operators and Drivers Associations ng dagdag na P10 dahil hindi na sapat ang P20 para sa tumataas na presyo ng gasolina.

--Ads--

Nagbabala naman ang mga operator na kung mananatili sa P20 ang pamasahe, maaaring huminto sa operasyon ang ilang tricycle sa mga susunod na araw.