Inihayag ni US President Donald Trump na na nais ng Iran na makipagkasundo upang wakasan ang digmaan, ngunit hindi pa ito handang tanggapin dahil hindi pa umano sapat ang mga kondisyon ng kasunduan.

Sa panayam, sinabi ni Trump na “lubos nang nawasak” ng Estados Unidos ang Kharg Island, na pangunahing sentro ng pag-eksport ng langis ng Iran.

Dagdag pa niya, maaari pa itong targetin ng mga puwersa ng US “ng ilang beses pa, para lang sa kasiyahan.”

--Ads--

Samantala, nagbabala ang embahada ng Estados Unidos sa Baghdad sa mga mamamayan nitong nasa Iraq na umalis na “agad-agad” matapos tamaan ng missile ang gusali noong Sabado.

Inutusan din ang mga empleyado ng gobyerno ng US na hindi kabilang sa mga emergency na tungkulin na lumikas mula sa Oman.

Patuloy namang nagpapalitan ng mga pag-atake ang Israel at Iran sa buong magdamag.

Naiulat din ang pagharang sa ilang missile at drone sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait at Qatar, na nagpapakita ng lumalawak na epekto ng tensyon sa rehiyon.