Patuloy pang pinag-aaralan ng pamahalaang panlalawigan ang iba pang hakbang bilang tugon sa kakulangan ng suplay ng petrolyo sa bansa na dulot ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, inaaral na nila ang magiging arangement kaugnay sa pagpapatupad ng 4day work week bunsod ng nararanasang krisis sa petrolyo.

Aniya, mas malawak ang saklaw ng operation ng Provincial Government dahil nagpapatakbo rin sila ng mga opistal sa probinsya kung kayat hindi puwedeng 4 day work week lang.

--Ads--

Maaaaring magpatupad din ang ibang opisina ng 5 days work week at pagbabago ng skedyul.

Inaasahan din aniya na maglalabas ang Kapitolyo ng mga guidelines upang maging maayos ang implementasyon ng naturang hakbang.

Samantala, nagpasa ang probinsya ng isang resolution para sa lahat ng government units at sa mga private sector na humihimok para sila ay magtipid lalo na sa paggamit ng mga bagay na nangangailangan ng produktong langis, dahil hindi pa matiyak kung hanggang kailan magpapatuloy ang kaguluhan sa Middle East o kung kailan babalik sa normal ang suplay ng langis sa buong mundo.

Nauna ng sinabi ni Gov.Ramon Guico III na hindi kinakailangang isakripisyo ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan, lalo na sa mga ospital ng lalawigan.

Sa kabila ng mga hakbang tulad ng pagbabago sa iskedyul ng mga empleyado at pagtitipid sa paggamit ng mga produktong petrolyo, mananatiling tuloy-tuloy ang operasyon ng mga frontliner sa mga pagamutan.

Samantala, patuloy ang ginagawang monitoring ng lalawigan sa galaw ng presyo ng langis.

Kasabay nito ang panawagan sa mga negosyante at mga gasolinahan na huwag samantalahin ang kasalukuyang krisis sa pamamagitan ng pagho-hoard o pag-iimbak ng mga produktong petrolyo, o ang pagtaas ng presyo ng langis na lampas sa itinakdang presyo ng Department of Energy.