Inanunsyo ni Japanese Prime Minister Takaichi Sanae na maglalabas ang kanilang bansa ng stockpiled oil o nakaimbak na langis at magtatakda na rin ng limitasyon sa presyo ng gasolina bilang pagtugon sa epekto ng tumitinding sitwasyon sa Middle East.

Sa kaniyang pagharap sa media, sinabi niyang inaasahn ang pagbaba ng importasyon ng krudo sa Japan sa katapusan ng March dulot ng problemang kinakaharap sa Strait of Hormuz.

Plano umano ng kanilang bansa na pakinabangan ang nakaimbag na langis upang mapigilan ang pagkakaantala ng mga supply ng gasolina at iba pang produktong petrolyo.

--Ads--

Ayon kay Takaichi, sisimulan ito sa lalong madaling panahon.

Sa kanilang unang hakbang ay maglalabas sila ng 15 araw na halaga ng private-sector oil reserves at isang buwan halaga ng state stockpile at ipapadala ang mga ito sa domestic refiners.

Saad pa niya na mangunguna ang Japan na maibsan ang inaasahang kakulangan sa supply at demand sa global energy market.