Dagupan City – Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng Aguilar Municipal Police Station matapos ang pagtalaga ng bagong officer-in-charge sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.

Pinarangalan at pinasalamatan ang outgoing Chief of Police na si Police Major Mark Ryan C. Taminaya para sa kanyang tapat at mahusay na pamumuno sa panahon ng kanyang panunungkulan sa Aguilar MPS.

Kinilala ang kanyang dedikasyon, serbisyo at malasakit sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

--Ads--

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na naitaguyod ang mga programa at inisyatiba na naglalayong mapalakas ang ugnayan ng pulisya at ng komunidad sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa bayan.

Samantala, mainit namang tinanggap ng mga opisyal at kawani ng Aguilar Police Station ang bagong itinalagang Officer-in-Charge na si Police Major Dario G. Ico.

Inaasahan na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay higit pang mapalalakas ang mga hakbang para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pakikipagtulungan sa komunidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Aguilar.