Dagupan City – Sugatan ang isang walong taong gulang na bata matapos itong mabangga ng isang motorsiklo sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.
Batay sa paunang impormasyon, tumatawid umano sa kalsada ang bata nang aksidenteng mabangga ng paparating na motorsiklo.
Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad naman itong isinugod sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas.
--Ads--
Sugatan din ang driver ng motorsiklo matapos ang insidente kaya dinala rin ito sa pagamutan para sa agarang medikal na atensyon.
Samantala, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye at sanhi ng nangyaring aksidente.










