Dagupan City – Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang dalawang indibidwal na sangkot sa aksidente sa bayan ng Villasis.

Dahil sa nangyari, ginagamot ang mga ito sa pagamutan upang malapatan ng kaukulang lunas.

Ayon sa ulat ng kapulisan magkaangkas ang mga biktima sa isang motorsiklo habang binabaybay nila ang Manila North Road sa Barangay San Nicolas.

--Ads--

Sa hindi inaasahang pangyayari, nabangga sila ng isang SUV na kasalubong nila, na nagdulot ng malakas na salpukan dahil sa aksidente nitong nakuha ang linya nila.

Dahil sa impact nagresulta ito ng pagkakatilapon ng mga biktima kaya nagkaroon sila ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyari upang matukoy ang mga detalye, kabilang na ang responsibilidad sa nangyari kung saan patuloy nilang mino-monitor ang estado ng mga sugatang biktima upang masiguro ang kanilang agarang paggaling at kooperasyon sa pagpapalakas ng road safety sa kanilang lugar.