Nagsalita na ni Gil Cuerva ang kanyang katahimikan ukol sa pinag-uusapang leaked video scandal na kinasasangkutan niya.

Sa kanyang post ngayong gabi, nagbigay ng maikling pahayag si Gil ukol dito.

Ayon sa actor, ang nasabing video ay ini-record nang hindi niya alam at walang pahintulot.

--Ads--

Ipinaalala ni Gil na ang paggamit ng hidden camera at ang pagbabahagi nito sa iba ay seryosong paglabag sa kanyang privacy at itinuturing na krimen.

Kasunod nito, nagpasalamat si Gil sa mga kaibigan at kakilala na nangumusta sa kanya at ipinagtanggol siya.

Sa kabila ng masalimuot na pangyayaring ito, tiniyak ni Gil na “okay” lang siya at magpapatuloy pa rin ang buhay para sa kanya.

Sa kabila ng pagsasabing “okay” lamang siya, nakatawag-pansin naman sa netizens ang “;” o semicolon post ni Gil.

Ang semicolon sign ay kinikilala sa buong mundo bilang simbolo ng “mental health awareness, suicide prevention, and overcoming struggles.”

Isa sa mga dumipensa kay Gil ay ang ex-girlfriend niya na si Lexi Gonzales.

Sa post ni Lexi kamakailan ay sinabi niyang ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa isang tao ay may kaakibat na malaking kaparusahan sa batas.

Itinuring din niyang ang paninira ng netizens sa kapwa.

Binuweltahan din ni Lexi ang isang netizen na nagkomento na mabuti raw at “kumawala” na siya kay Gil.