Libu-libo pang mga flight ang nakansela noong Lunes habang nagpapatuloy ang digmaan ng US at Israel laban sa Iran, kung saan daan-daang libong pasahero na ang na-stranded.
Sinuspinde ng mga paliparan at airline sa Gulf ang lahat ng operasyon hanggang hindi bababa sa 10:00 GMT ng Martes.
Malaki ang ibinagsak ng Airline and travel share prices matapos ang ilang araw ng pagkaantala, habang ipinahiwatig ni Donald Trump na maaaring tumagal pa ng apat na linggo ang aksyong militar ng US.
May ilang airline at travel firms ang nag-aalok ng refund o libreng pagpapalit ng booking sa mga nakatakdang bumiyahe sa mga susunod na linggo.
Ang mga pangunahing paliparan sa Gitnang Silangan, kabilang ang Dubai—ang pinakaabala sa buong mundo para sa international flights ay nagsara sa ikatlong sunod na araw sa gitna ng pinakamalubhang dagok sa industriya mula nang maparalisa ito noong pandemya ng Covid.
Kinansela ang mga flight sa buong Gitnang Silangan, na nakaapekto na sa libu-libong serbisyo, habang patuloy na sinuspinde ng mga internasyonal na airline ang kanilang operasyon.
Pagsapit ng alas-10 ng umaga, hindi bababa sa 1,555 flight papuntang Gitnang Silangan ang nakansela.
Gayunman, nagbabala ito na maaaring mas mababa ang naitalang bilang dahil sa limitadong datos mula sa Iran at United Arab Emirates, kung saan daan-daang iba pang flight ang naka-iskedyul noong Lunes.
Pinakaapektado ng mga kanselasyon ang mga airline sa Gulf, na pawang nag-uugnay ng mga pasahero sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng kanilang mga hub.
Sinabi ng Emirates, na nakabase sa Dubai, at Etihad Airways, na nasa Abu Dhabi, na hindi muna magpapatuloy ang mga flight papunta at mula sa kanilang mga hub hanggang huling bahagi ng umaga ng Martes.
Samantala, sinuspinde ng Qatar Airways ang operasyon hangga’t nananatiling sarado ang himpapawid ng Qatar.
Ayon sa flight tracking platform na FlightAware, halos 2,800 flight ang nakansela noong Sabado at 3,156 naman noong Linggo.
Apektado rin ang ilang flight papuntang Cyprus. Kinansela ng easyJet ang tatlong round-trip na biyahe sa pagitan ng Paphos, Larnaca, at United Kingdom noong Lunes matapos tamaan ng drone ang RAF base sa Akrotiri.
Inihayag din ng British Airways na kinansela nito ang serbisyo nitong Lunes papuntang Larnaca.










