Muling naglunsad ng drone attack ang Ukraine sa Russia na ikinasawi ng 7 katao at sugatan ang hindi bababa sa 10.

Ayon sa Investigative Committee ng Russia, 30 drones ang tumama sa planta ng mga fertiliser sa rehiyon ng Smolensk, nasa 290km ang layo mula sa border ng Ukraine.

Tinawag naman ni Regional governor Vasily Anokhin na “barbaric terrorist attack” ang pagpapasabog ng Ukraine sa isang planta ng mga sibilyan.

--Ads--

Ang nasabing planta ay ang producer ng ammonium nitrate at nitric acid na ginagamit a mga pataba, gayundin sa mga pasabog.