Nagsagawa ng community engagement activity ang mga tauhan ng Urbiztondo Police Station sa Urbiztondo Integrated School bilang bahagi ng kanilang patuloy na kampanya para sa kaligtasan ng komunidad.
Sa pangunguna at ilalim ng superbisyon ni PMAJ Fernan L. Rivera, Acting Chief of Police, nagsagawa ng dayalogo at pamamahagi ng mga informational flyers sa mga magulang at mag-aaral.
Tinalakay sa aktibidad ang crime prevention, anti-rape awareness, Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, at mga hakbang laban sa bullying.
Layunin ng inisyatiba na palawakin ang kaalaman ng mga magulang at estudyante hinggil sa kanilang mga karapatan at responsibilidad, isulong ang personal na kaligtasan, at palakasin ang ugnayan ng paaralan at kapulisan para sa isang ligtas at suportadong kapaligiran sa pag-aaral.










