Dagupan City – Malapit nang matapos ang itinatayong kids playground facility sa syudad ng San Carlos City. Matatagpuan ang nasabing pasilidad sa FPJ Esplanade Park sa Barangay Bocboc, na inaasahang magiging bagong atraksyon para sa mga bata at pamilya sa lungsod.
Ayon sa pamahalaang lokal, layunin ng proyekto na magbigay ng ligtas at makabagong lugar na mapaglilibangan ng mga bata.
Ilan sa mga inilagay na pasilidad ay iba’t ibang playground equipment.
Bukod sa mga laruan ng mga bata, naglagay rin ng outdoor exercise equipment para sa mga kabataan at matatanda na nais mag-ehersisyo.
Mayroon ding park benches at maayos na espasyo kung saan maaaring magpahinga at mag-bonding ang mga pamilya.
Inaasahang makatutulong ang bagong playground facility sa pagpapaigting ng turismo at pagpapalakas ng community engagement sa San Carlos City.
Sa sandaling tuluyang makumpleto, magiging bukas ito sa publiko bilang bahagi ng patuloy na pagpapaganda at pagpapaunlad ng mga pampublikong parke sa lungsod.










