Dagupan City – Idinaos ang Kasalang Bayan 2026 bilang bahagi sa pagsalubong ng Araw ng mga Puso sa bayan ng Mapandan matapos ang masusing paghahanda ng lokal na pamahalaan at pakikipagtulungan ng iba’t ibang tanggapan upang maging maayos at makabuluhan ang naturang okasyon.

Dahil dito, pansamantalang isinara ang ilang bahagi ng kakalsadahan noong Pebrero 13 mula 1:30 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi upang mabigyang-daan ang pagdaraos ng seremonya.

Kabuuang 44 na pares ang opisyal na nag-isang dibdib matapos dumaan sa orientation at rehearsal na pinangunahan ng Municipal Civil Registrar.

--Ads--

Layunin ng naturang paghahanda na matiyak ang maayos, organisado, at makabuluhang pagdaraos ng kanilang kasal.

Inihanda rin nang maayos ang venue kung saan inayos ang mga upuan at dekorasyon upang maging kaaya-aya at espesyal ang selebrasyon para sa mga bagong kasal at kanilang mga panauhin.

Ipinakita ang matagumpay na pagdaraos ng Kasalang Bayan at patuloy naman ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapatibay ng institusyon ng pamilya at pagbibigay ng oportunidad sa mga magkapareha na maging ganap na mag-asawa sa ilalim ng batas.