Laglag na ang dalawang koponan ng Pilipinas na Blacklist International at BOOM Esports sa Honor of Kings Invitational Season 4 na ginanap kahapon sa GBK Basketball Hall.
Hindi nakatagos ang Blacklist at BOOM, parehong nagtapos sa 1-4, sa reigning champion Nova Esports at sa Nongshim RedForce.
Sa kanilang pagkatalo, nabigyan ng pagkakataon ang Nova at Nongshim na magkaharap sa kanilang finals rematch.
--Ads--
Malakas naman ang paniniwala ni Blacklist International coach Gerald “Tgee” Gelacio na ibinigay ng kanilang manlalaro ang buo nilang makakaya at magsisilbing aral ang kanilang pagkatalo upang mas mapaganda pa ang kanilang performance sa susunod na laro.










