Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay kay PSSg. Renato Casuay Jr. na siyang narekober sa isang septic tank sa Malolos, Bulacan nitong Enero 31.
Kinilala ang suspek bilang si Julian Salamat, 28 taong gulang na residente ng Paombong sa Bulacan.
Ayon sa pulisya, sumuko ang suspek sa Digos Police Station matapos na makipagugnayan sa isang informant hinggil sa pagkkasangkot nito sa pagpatay kay Casuay.
Kwento ng pulisya, nkatakdang makipagkita si Salamat sa informant sa Tagum City Bus Terminal sa Davao del Norte kung saan siya sinalubong ng mga arresting officers mula sa Digos Police.
Matapos nito ay agad naman ding i-tinurn over sa Tagum City Police Station ang suspek para sa proper disposition at iba pang legal process na kinkailangang sumailalim ang suspek.
Batay naman sa inisyal na impormasyon, posibleng bumiyahe umano si Salamat mula Bulacan patungong Cebu at agad na nagtungo ng Davao para kitain ang isa sa mga kaibigan nito bago tuluyang sumuko sa mga otoridad.
Samantala, lumlabs din na si Salamat ang police asset na nakatakda sanang kitain ni Casuay bago ito mamatay noong Enero 24 habang dalawang iba pang suspek sa krimen ang naaresto ng pulisya at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya.










