Pinagbabawalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa pagtutunaw at pagsira sa Philippine coins.

Sa isang advisory, pinaalalahanan ng central bank ang publiko na ang sadyang pagwasak, pagpuputol-putol, pagtupas, pagsusunog, o pagsira sa Philippine currency kabilang ang commemorative coins ay labag sa batas ayon sa Presidential Decree 247.

Ayon sa BSP, ang mga lalabag ay maaaring maharap sa pagkakulong na hanggang limang taon at multa na hanggang P20,000.

--Ads--

Binibigyang-diin ng BSP na nararapat gamitin ang mga barya bilang pambayad sa pang-araw-araw na transaksyon.

Samantala, ang mga commemorative coin ay para gunitain ang mga mahahalagang kaganapan, lugar, at makabuluhang tao sa kasaysayan ng Pilipinas,” nakasaad sa advisory ng central bank.

Inilunsad ng BSP noong nakaraang buwan ang “Philippines Festival” Commemorative Coin Series, kung saan magkakaroon ng isang coin na ilalabas bawat buwan.

Ang una ay ang Sinulog coin noong Enero, at ang pangalawa ay ang Tan-ok ni Ilocano Festival coin ngayong Pebrero.