DAGUPAN CITY- Natuldukan na ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos pumabor ang boto ng kamara kay Marcos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick Abril, Political Consultant, ligtas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paghahain ng iba pang impeachment complaint dahil sa one-year bar rule.

Aniya, inaasahan na ang naging resulta sa deliberasyon ng dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil pumapabor ang kamara sa kasalukuyang administrasyon.

--Ads--

Ang nasabing dalawang impeachment complaints ay parehong napagbotohan sa kamara bilang ‘insufficient insubstance.’

Kung susuriin din naman aniya ang De Jesus complaint ay makikitang nagkulang talaga ito ng nilalaman upang masuportahan ang reklamo.

Kapareho lamang din sa Liza Maza et al. complaint na nagkulang sa nilalaman o sustansya upang umabot sa trial.

Binigyan linaw niya na parehong proseso ang pagdadaanan sa impeachment complaints na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito na aniya ang susunod na tututukan lalo na’t mainit ang mata ng kasalukuyang administrasyon kay VP Duterte.

Inaasahan na ang mas nahasang reklamo matapos ang isang taon nakalipas sa naunang mga reklamo.