Inihayag ng Malacañang na nababahala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa posibleng epekto ng mga isinampang impeachment complaint laban sa kanya.
Ayon sa Palasyo, ang pangamba ay hindi para sa personal na interes ng Pangulo kundi para sa kapakanan ng bansa at ng ekonomiya.
Ngunit ayon kay Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation, hindi dapat sang-ayunan ang argumento ng Senado o ng Malacañang.
Aniya mismo ang proseso ng impeachment ang tamang paraan para malaman kung may katotohanan ba ang mga alegasyon.
Dagdag pa niya panakot lang ang pahayag na may epekto ito sa ekonomiya.
Ani Africa, kailangan talagang harapin ang impeachment complaint upang may managot.
Kailangan ang pressure mula sa labas, at hayaan ang Kongreso na magdesisyon ayon sa kanilang tungkulin, hindi sa personal na interes.
Bukod sa isyu ng impeachment, tinukoy din ni Africa ang pangangailangan ng malalimang reporma sa electoral system.
Ayon sa Ibon Foundation, ang mabilis at malinaw na aksyon sa mga reporma ay mahalaga upang maiwasan ang monopolyo ng kapangyarihan at maprotektahan ang demokrasya sa bansa.










