Pinarangalan ng senado ang Aurora Gaming PH matapos iuwi ang kampyeonato sa M7 Championship na ginanap sa Jarakta, Indonesia noong January 25.

Nagbibigay pugay sa grupo ng mga esports pro-players ang pag-apruba ng kapulungan sa Senate Resoution No. 276.

Ang resolusyon na ito ay inihain ni Sen. Bam Aquino na kilala rin bilang isang gaming enthusiast.

--Ads--

Ang naturang koponan ay ang kasalukuyang Mobile Legends:Bang Bang (MLBB) world champion matapos talunin sa 4-0 sweep ang koponan ng Indonesia na Alter Ego.

Ang kanilang pagkapanalo naman ang muling nagdepensa sa titulo na hawak ng Pilipinas.

Binubuo naman nina Edward “Edward” Dapadap, Jonard “Demonkite” Caranto, Kenneth “Yue” Tadeo, Jan “Domeng” Delmundo, at Finals MVP Dylan “Light” Catipon ang koponan.