Ipinatupad ng major liquefied petroleum gas (LPG) suppliers na Petron at Solane ang price increases simula nitong Pebrero 1 matapos ang paggalaw sa international LPG contract prices.
Sa abiso ng Petron, ipinatutupad nila ang P1.50 kada kilo na pagtaas.
Samantala, sa hiwalay na abiso, inanunsiyo ng Solane ang P1.55 kada kilo na pagtaas para sa kanilang LPG products
--Ads--
Ayon sa kompanya,ang price hike ay nakaayon sa international LPG contract price adjustment sa Pebrero.
Para sa households, ang pagtaas ay katumbas ng dagdag na P16.50 hanggang P17 sa isang typical na 11-kilo na tangke.










