Nagbabala si Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei sa pagsiklab ng panrehiyonal na giyera na maidudulot ng anumang pag-atake.

Ani Khamenei, mauuwi sa nasabing uri ng giyera sa rehiyon kung sakaling simulan ito ng Estados Unidos.

Magugunitang nagbanta si US Pres. Donald Trump na mangingialam ito sa pagnanais ng Iran sa nuclear at sa nakakamamatay na pagtugon nito sa mga anti-government protests.

--Ads--

Bilang bahagi ng pagbuo ng US sa kanilang pwersa, nagpadala nito ang USS Abraham Lincoln, isang aircraft carrier, sa rehiyon at kamakailan lang nang magsimula ang US ng operasyon sa Arabian Sea.