Ibinahagi ng isang vlogger mula Tarlac kung paano siya nagsimulang maging vlogger kasama ang kanyang lola.
Ayon kay Joseph Gadut, Vlogger mula sa Tarlac, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, hindi siya nag ba vlog dati pero may kaibigan siyang nagsabing subukang i vlog ang kanyang inang tawag sa kanyang lola.
Aniya, noong unang tatlong buwan silang nag vlog ay kakaunti ang kanilang viewers at followers kung kayat huminto siya ng isang buwan. Hanggang sa isang araw ay may kumalat na video ni Inang hanggang sa nag viral kaya itinuloy tuloy na.
Sinabi ni Gadut na nag viral ang kanilang video dahil sa mga ilocana na kinanta ni Inang at pagiging natural ang mga lumalabas sa kanyang bibig,
Nang pumanaw ang kanyang lola noong October 2024 ay nahirapan siya dahil siya ang hinahanap ng kanilang followers.
Hanggang ngayon kapag siya lumalabas at nakikita ay hinahanap ang kanyang lola.
Tuloy tuloy pa rin umano ang pag upload niya ng mga video nilang dalawa dahil yung ang hiling ng kanilang mga followers.
Samantala, sinabi ni Gadut na ipagpapatuloy parin niya ang pag va vlog kahit wala na ang kanyang lola at katunayan ay naghahanap siya ng mga katulad ni Inang na puwedeng alagaan.










