Arestado na ng mga otoridad si PSMS John Mollenido, asawa at ama ng mga biktimang sina PSMS Diane Marie Mollenido at limang taong gulang na anak nitong si John Ysmael Mollenido bilang ikaapat na suspek sa krimen.

Batay sa kumpirmasyon ng Quezon City Police District (QCPD), inaresto si Mollenido matapos na maging person of interest sa kaso dahil sa mga naging pahayag ng car agent na nagsasabing isa rin si Mollenido sa mga suspek sa krimen.

Nauna naman na dito ay naaresto na ang tatlong suspek na pawang mga hindi na muna pinangalanan sa ngayon at inaasahang sumailalim na humarap sa mga inquest proceedings nitong Linggo, Pebrero 1.

--Ads--

Samantala, magugunita naman na natagpuang walang buhay at mayroong tama sa ulo si PSMS Diane Marie Mollenido sa isang creek sa Pulilan, sa Bulacan habang matapos naman ang limang araw, natagpuan naman ang bangkay ni John Ysmael Mollenido sa isang calamansi farm sa Victoria, Tarlac kung saan lumalabas naman sa mga ulat na asphyxia by suffocation ang sanhi ng pagkasawi ng biktima.

Patuloy naman na inaalam ang motibo sa pagpatay at ang imbestigasyon sa insidente.