Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na wala nang balasahan ang magaganap.

Itoy matapos sabihin ni Palace Press Officer USec. Claire Castro na isusumite na sa Commission on Appointments ang pangalan ng mga kalihim ng iba’t ibang departamento.

Pinuna kasi ni Senador Rodante Marcoleta na karamihan sa pinuno ng mga ahensya ay nananatiling nasa acting capacity.

--Ads--

Ayon kay Castro, mismong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang nagsabi nito gayundin ang pagsusumite ng mga pangalan sa CA sa lalong madaling panahon.

Kabilang sa mga tinukoy ni Marcoleta sa kanyang prvilege speech sa Senado ang 

Office of the Executive Secretary, Department of Finance, Department of Public Works and Highways, Department of Justice, Department of Budget and Management, Department of Environment and Natural Resources, Department of Transportation at Presidential Communications Office.

Patungkol naman kay DENR Sec. Raphael Lotilla, titingnan daw muna ng Palasyo ang record sa sinasabing pangatlong beses nang pag-bypass ng kanyang appointment.