Dagupan City – Inaasahang magno-normalize na ang presyo ng bigas sa merkado sa mga susunod na panahon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), dati ay sa Subic lamang naka-allocate ang point of entry ng imported rice na naging sanhi ng congestion. Ngunit ngayon ay naipamahagi na ang pagpasok ng imported na bigas sa iba’t ibang pantalan gaya ng Maynila at Batangas, kaya mas maayos na ang daloy nito sa merkado.

Dahil dito, inaasahang magiging normal na ang supply o flow ng imported rice sa bansa.

--Ads--

Samantala, nilinaw ni So na hindi pa rin naibabalik ang rice tariff sa dating antas.

Aniya, posibleng naaantala ang pagtaas ng taripa dahil sa mga konsiderasyong politikal, kabilang ang popularidad ng Pangulo, gayundin ang epekto nito sa inflation rate.

Kaugnay nito, sinabi ni So na kahit may panawagang itaas ang taripa, hindi aniya ito makatutulong sa mga lokal na magsasaka, lalo na’t nakatakdang mag-ani ang mga ito ngayong buwan ng Marso.