Nagpasya ang Supreme Court (SC) En Banc na tuluyang ibasura ang mosyon ng Kamara na humihiling na baligtarin ang desisyon noong Hulyo 25, 2025 na nagsasabing labag sa Konstitusyon ang impeachment laban kay Vice President Sara Z. Duterte.

Pinagtibay ng SC na ang ika-apat na reklamong impeachment na ipinadala sa Senado noong Pebrero 5, 2025 ay bawal na sa ilalim ng Article XI, Section 3(5) ng Konstitusyon.

Hindi nakibahagi si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, habang naka-leave si Associate Justice Maria Filomena Singh. Nilinaw ng SC na ang unang tatlong reklamo ay hindi naisama sa Order of Business sa loob ng itinakdang sampung session days.

--Ads--

Binigyang-diin din ng SC ang pagkakaiba ng dalawang paraan ng impeachment: ang una ay dumaraan sa proseso ng Committee on Justice, samantalang ang ikalawa ay agad na naisasakatuparan kung may pirma ng isang-katlo ng mga miyembro ng Kamara.

Pinagtibay ng SC na nananatiling umiiral ang due process sa impeachment, ngunit ito ay may natatanging katangian at ang ganap na paglilitis ay sa Senado nagaganap.

Agad na ipinatutupad ang resolusyon matapos ang digital service sa lahat ng partido.via Bombo Dennis Jamito