DAGUPAN CITY- Inihayag ng Dagupan Electric Corporation (DECORP) ang naging mabilis na restorasyon ng kuryente matapos ang nakalipas na bagyong tumama sa lungsod.
Ayon kay Atty. Randy Castilan ang Chief Operating Officer umabot sa 9 hanggang 10 araw ang kanilang ginugol matapos ang bagyo para maisaayos ang mga poste ng kuryente.
Gayunpaman, aminado ang DECORP na nahirapan sila sa restorasyon dahil sa mga nagbagsakang puno, na karamihan ay nasa loob ng mga pribadong property.
Dahil dito, hinimok ng DECORP ang kanilang mga consumers na regular na itrim o bawasan ang mga puno sa kanilang bakuran, lalo na kung ito ay may potensyal na sumira sa kanilang mga bahay o sa mga linya ng kuryente.
Dagdag pa rito, isa rin sa mga problemang kinaharap ng DECORP noong nakalipas na bagyo ay ang baha.
Kaya naman, nagpaplano na sila ngayon kung paano sosolusyunan ang mga ganitong hamon sa mga susunod na kalamidad.
Tiniyak din ng DECORP na may sapat silang reserbang materyales at kagamitan para sa mga ganitong sitwasyon.
Sa pamamagitan nito, mas magiging handa silang tumugon sa anumang kalamidad upang mabilis na maibalik ang kuryente sa kanilang mga consumers.










