Nakatakdang magtatag ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng mga holistic therapy centers para sa mga batang may special needs sa bawat isa sa anim na distrito ng lalawigan.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, pasilidad na tatawaging Building Resilience through Inclusive Growth and Holistic Therapy o BRIGHT Centers ay idinisenyo upang magsilbing komprehensibo at madaling ma-access na sistema ng suporta para sa mga bata at kanilang pamilya o guardian na nakakasama nila.

kulang ang pag address sa pangangailangan ng mga kabataan.

--Ads--

Hindi lamang therapy sessions ang magiging serbisyo ng BRIGHT Centers, kundi pati pagsasanay para sa mga magulang at tagapag-alaga, early intervention strategies, at skills development na naaayon sa pangangailangan ng bawat bata.

Layunin umano ng programa na tugunan ang problemang kinahaharap ng maraming pamilya na napipilitang mag-isa sa pag-asikaso ng therapy at pangangalaga, na nagdudulot ng pagkaantala ng interbensyon at dagdag na pasanin sa tahanan.

Si Lambino ang may-akda ng ordinansang nagtatatag ng BRIGHT Centers at iginiit na walang batang Pangasinense may special needs ang dapat mapag-iwanan dahil lamang sa kakulangan ng gabay at suporta.

Pamamahalaan ng provincial government ang mga sentro at isasama ang mga ito sa mga ospital sa bawat distrito, katuwang ang sektor ng edukasyon at kalusugan.